Sasampahan ng kasong reklamong alarm and scandal ng Quezon City Police District ang dating pulis na sangkot sa viral road rage sa Quezon City kamakailan.
Ayon kay Police Brigadier General Nicolas Torre III, apat na pulis ang magsisilbing complainant laban kay Wilfredo Gonzales

Sinabi ni Torre, na gagamiting ebidensya ang video ng insidente na nag-viral sa social media.
Makikipag-ugnayan din aniya sila sa biktimang siklista para sa posibleng pagsasampa ng kaso laban kay Gonzales.
Samantala, itinaggi rin ni Torre ang alegasyon na tumulong ang kanyang mga tauhan sa umano’y pakikipag-ayos sa pagitan ng siklista at ni Gozales at ginawa nila ang kanilang trabaho professionally.