Dating Vice Governor Pimentel makikinabang sa naging desisyon ng Supreme Court; RE: pagbasura sa disqualification case vs Governor Tallado

CAMARINES NORTE- Naniniwala si Provincial Legal Officer Atty. Don Culvera na makikinabang si dating Vice Governor Jonah Pimentel sa naging desisyon ng Korte Suprema na tuluyang nagbasura sa inihaing disqualification case laban kay Governor Edgardo Tallado.

Sa isinagawang Press Conference nitong Huwebes inihayag ni Culvera na dahil pareho ang facts of the case nina Pimentel at Tallado ay hindi  na umano magtatagal at maaaring maglabas na ng desisyon ang Commission on Elections.

Pareho kasing kiniwestiyon ang kandidatura nina Pimentel at Tallado noong 2019 midterm elections dahil sa isyu ng three- term limit rule.

“Parehong pareho ang mga pangyayari umakyat as Governor si Vice Gov. Jonah ngayon, so ibig sabihin nagkaroon din po ng interruption ang pagiging Vice Governor ni Vice Govermor Jonah Pimentel,”ani Culvera.

“So ang implikasyon po niyan, dahil nakansela din po dati yung kaniyang ano ng Comelec, ibig sabihin ipapakita lang po itong desisyon ng Supreme Court malamang pwede na rin pong umupo at pag lumabas po yung desisyon ng Comelec pwde na rin umupo si Vice Gov. Jonah”.

Nakakuha na ng paborableng desisyon ang kampo ni Tallado matapos ibasura ng Kataas taasang Hukuman ang motion for reconsideration na nagpapa- disqualify dito.

Noong 2019 elections nanalo si Pimentel ng nasa 1, 760 votes laban sa nakatunggali nitong si dating Jose Panganiban Mayor Ricarte “Dong” Padilla.

Pero hindi nakaupo sa pwesto dahil kinansela noon ng Comelec Second Division ang certificate of candidacy (CoC) ni Pimentel dahil sa  3- term limit rule alinsunod sa batas.

Sa ngayon ay umaaktong Bise Gobernador at Presiding Officer ng Sangguniang Panlalawigan si Senior Board Member Joseph Christoper “Concon” Panotes.

Nang matanong naman si Culvera kung makikinabang rin ba si Board Member Mike Canlas na nanumpa at umupo rin noong Bise Gobernador nang umakyat na Gobernador si Pimentel, sinabi ni Culvera na ayaw na niya itong sagutin.

Bahala na raw ang kampo ng Board member na mag interpret.

Si Canlas ay isa sa tatlong Bokal sa hanay ng minorya at kilalang kritiko ni Governor Tallado.

(photo courtesy: VG Jonah Pimentel FB Account)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *