Dating world champion na si Josie Gabuco, naka-bronze medal sa ASBC

Bigo ang light-flyweight na si Josie Gabuco na malusutan ang katunggali nitong Uzbekistan na si Gulasal Sultonalieva, sa score na 1-4 sa ASBC Asian Men’s and Women’s Boxing Championships sa Dubai.

Naging maganda ang laban na ipinakita ng 34-anyos na dating world at Asian champion, ngunit hindi ito naging sapat sa mata ng mga hurado para makuha ang panalo.

Dahil diyan ay napunta kay Gabuco ang bronze.

Bilang consolation ay makakatanggap si Gabuco ng $2,500 (P120,000) mula sa AIBA (International Boxing Association) matapos nitong makaabanse sa medal round ng 17-nation event.

Sa kabila niyan ay buhay pa rin ang pag-asa ng bansa na makasungkit ng ginto, sapagkat kasali pa rin sa kompetisyon ang Tokyo Olympics-bound na si Eumir Marcial at ang dalawang iba pang Pinoy na sina Mark Lester Durens at Junmilardo Ogayre.

Nakatakdang makatapat ni Marcial si Uzbek Jafarov Saidjamship sa middleweight division habang nakalaban naman nina Durens at Ogayre  sina Daniyal Sabit at  Uzbek Mirazizbek Mirzahalilov sa flyweight at bantamweight classes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *