Datos hinggil sa aktwal na incursion ng China sa WPS, hinihingi ng Kongreso sa DENR; Ahensya, nag-request ng executive session

Ipaaalam umano ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga sa mga mambabatas ang aktwal na incursion ng China sa West Philippine Sea.

Ito ang naging pahayag ng DENR matapos hingin ni Albay 1st district Rep. Edcel Lagman sa deliberation ng proposed budget ng ahensya sa House Committee on Appropriations ang datos hinggil sa sovereign territorial properties ng Pilipinas sa West Philippine Sea na ilegal na inookupa at dine-develop ng China.

Napag-alaman kasi ni Lagman mula sa National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA) – isang opisina sa ilalim ng DENR, na may hawak itong data.

Nang sabihan ng mambabatas ang ahensya na i-disclose ang data, tila naging defensive ang DENR at inirekomenda na magkaroon na lamang ng executive session hinggil sa hinihinging detalye ng Kongresista.

Giit ni Lagman, bakit kailangan pa ng executive session, kung maaari na naman nilang ibigay ang datos ngayon.

Sa huli, binigyang-diin nito na ang data na nais nilang makita ay para sa kaalaman ng ibang bansa at ng publiko kung paano inaagaw ng China ang properties ng Pilipinas sa WPS.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *