Davao City, nakapagtala ng kaso ng chikungunya virus; Higit 20, suspected cases na rin

Muling nakapagtala ng kaso ng Chikungunya ang Davao City kasunod sa pagpositibo ng isa sa higit dalawampu katao na nakitaan ng sintomas sa naturang sakit matapos lumabas ang resulta sa confirmatory test sa Reasearch Institute for Tropical Medicine kaninang umaga.

Ito ang inihayag ni Melodina Babante, Pest Control Worker II ng Tropical Disases and Prevention Unit ng Davao City Health office.

Sa panayam naman kay Ernie Cequena, CIty Health Nurse ng Tropical Diseases and Prevention Unit, ang naturang kaso ay mula sa Brgy. Ilang Panacan na kinuhanan ng sample sa nakaraang buwan habang nasa dalawamput walo pa ang suspected cases mula naman sa Brgy. Panacan ang minomonitor ngayon at tatlo dito ay nakuhanan na ng sample.

Nabatid na dati nang nagkaroon ng chikungunya outbreak ang nasabing mga barangay kayat pinag-iingat ang mga residente na hindi makagat ng lamok na nagdadala ng virus partikular ang aedes mosquito na siya ring dahilan ng dengue fever.

Ilan sa mga sintomas ng sakit ang pagkakaroon ng lagnat na may kasamang joint pains at rashes.

Panawagan ng CHO na sundin ang 4-S – search and destroy mosquito-breeding sites, employ self-protection, seek early consultation sa barangay o district health centers at support fogging/spraying.(BNFM DAVAO | JOFEL CANDADO)
#

Leave a Reply

Your email address will not be published.