Davao City, opisyal nang kinilala bilang ‘Chocolate Capital’ ng PH

Opisyal nang kikilalanin ang Davao City bilang “Chocolate Capital of the Philippines”, habang ang buong Davao Region ay ang “Cacao Capital” ng bansa.

Ito’y matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang R.A. 11547, na kumikilala sa reputasyon ng Davao, bilang top cacao producer ng bansa.

Nakasaad sa batas na mahalaga ang cacao bilang “driver” ng rural development dahil sa kontribusyon nito na mapataas ang export earnings, maging ang pagbibigay ng kabuhayan sa mga maliliit na manggagawa.

Batay sa explanatory note sa nakaraang Senate bill, ang cacao beans ay maaring makaproduce ng cocoa nibs, cocoa liquor, cocoa cake, cocoa butter, cocoa powder, at chocolate confectionary blocks.

Matatandaan na noong nakaraang taon, nang gumawa ng kaparehong deklarasyon ang Department of Agriculture, matapos na makapag-produce ang naturang lugar ng 2,289 metric tons ng cacao, o 38% ng kontribusyon ng rehiyon sa chocolate source noong 2019. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published.