Davao City, posibleng magtop sa list of cities sa PH na may mataas na bagong kaso ng COVID-19

Naitala ng independent research group OCTA ang siyam na mga areas of concern sa Visayas at Mindanao dahil sa mataas na bilang ng COVID-19 infections, kabilang na ang Davao City na nakikitang magtatala pa ng mas maraming kaso, kumpara sa ibang mga lungsod sa ibang bansa.

Sa kanilang latest report, sinabi ni OCTA na mahihigitan ng Davao City bago ang susunod na linggo, ang Quezon City na ngayon ay nangunguna sa listahan ng mga lungsod na may malaking bilang ng mga bagong kaso sa bansa.

Mula May 31 hanggang June 6, naitala sa Davao City ang 206 pang infected residents — na 54% increase mula sa 134 confirmed, bago ang naturang linggo.

Bagama’t ang QC ay nagtala ng bahagyang pagtaas sa bilang sa parehong period sa 219, ay sumasalamin naman ito ng pagbaba sa 22% mula sa naunang linggo.

Dagdag ng OCTA, ang average COVID-19 daily attack rate per 100,000 people sa Davao City ay nasa 11.34, habang ang kanilang hospital bed utilization rate (HBUR) ay nasa 54%, at ang ICU bed utilization rate (ICUR) ay nasa 67% naman. // MHEL PACIA -TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *