David Licuaco, spotted kasama ang alleged girlfriend sa BGC

Spotted ang aktor na si David Licuaco  kasama ang umano’y girlfriend nito.

Nakita ang nasabing aktor sa isang bar sa Bonifacio Global City, Taguig City.

Nakuhanan ng litrato si David kasama ang isang babae habang kausap ang isang lalaki.

Agad naman pinag-usapan at inimbestigahan ng netizen at inalam kung sino ang kasama ng aktor.

Nakilala ang babae na si Kisen o mas kilala Kristen “Kisen” Hizon na taga Pampanga at kamag-anak raw ng may-ari ng Pampanga’s Best.

Naikumpara naman agad ng isang netizen ang ka-loveteam ni David na si Barbie Forteza kay Kisen, na mas may utak raw si Kisen kesa kay Barbie, mayaman at may class daw ito samantalang si Barbie naman ay tinawag na “barbielat” at nagsesettle for less lang daw sa cheap na si Jak.

Kinumpirma naman ng aktor na mayrooong na siyang karelasyon.  (BRIGADA NEWS INTERN JUSTINE JUMARANG)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *