Davis, pinangunhan ang pag-arangkada ng Lakers sa Game 1 ng playoffs

Nangibabaw si Anthony Davis ng Los Angeles lakers sa kanyang 30 points, 23 rebounds,5 assists at 4 na blocks nang patahimikin ng Lakers ang crowd sa Chase Center at nakawin ang homecourt advantage mula sa Warriors sa 117-112, sa Game 1 ng kanilang Western Conference semifinals series.

Bukod kay Davis, nagpasiklab din si LeBron James sa kaniyang muling pagbabalik sa teritoryo ng Warriors, 22 puntos at 11 rebounds.

Binura ng Golden State ang 14-point deficit sa fourth quarter at itinabla ang laro sa 112 sa 1:38 para play off three-pointer ni Stephen Curry.

Mananatili pa rin ang Lakers sa homecourt ng Warriors para sa Game 2.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *