Day care center students sa Capalonga nakiisa sa Global Handwashing Day

Nakiisa ang mga estudyante ng lahat ng day care sa bayan ng Capalonga sa Global Handwashing Day na ginanap kamakalawa sa Barangay Poblacion.

Layon ng Global Handwashing Day na lumikha ng kamalayan sa kahalagahan ng tamang paghuhugas ng kamay gamit ang sabon para makaiwas sa iba’t- ibang sakit  lalo na ngayong nahaharap pa rin ang bansa sa banta ng COVD- 19 pandemic.

Makakatulong ang palagiang paghuhugas ng kamay para maprotektahan ang sarili sa iba’t- ibang uri ng sakit maging ang mga taong kasama sa bahay at nakakasalamuha sa komunidad.

Tinuruan ang mga bata ng proper handwashing technique.

Ayon sa Department of Health dapat naghuhugas ng kamay bago, habang at pagkatapos maghanda ng pagkain.

Ang hindi maayos na paghahanda ng pagkain ay posibleng magdulot ng sakit.

Importante ring maghugas ng kamay pagkatapos ng pag- aalaga sa taong may sakit, pagkatapos gumamit ng banyo at pagkatapos ng pag ubo o pagbahing.

Ang handwashing practice ay nakasanayan nang gawin ng karamihan lalo na noong kasagsagan ng pandemya pero tila nakakalimutan na naman ito ngayon.

Nakiisa rin ang Primewater sa pagdiriwang ng Global Handwashing Day.

Sa post sa facebook inihayag naman ng kumpanya na hindi lang serbisyo sa malinis at ligtas na supply ng tubig ang kanilang hangarin kundi pakikiisa sa mga programang magpapaalala sa lahat kung gaano kahalaga ang kalinisan sa pang-araw-araw na buhay.

photo: NEW LGU- CAPALONGA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *