Day care centers sa Albay, nakatanggap ng learning materials at educational toys mula sa PSWDO

LEGAZPI CITY – Namahagi ng mga learning materials at educational toys sa ilang day care centers sa Albay ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO).

Ito ay upang mas maging maayos pa ang kalidad ng edukasyon sa early childhood care and development ng mga kabataan sa lalawigan.

Ayon kay PSWDO OIC Maria Vivien A. Cea, tuloy-tuloy umano ang pamamahagi nila ng mga libro, mga laruan o manipulative toys at ilan-ilan pang mga kagamitan tulad ng mga mesa at upuan upang mas maging komportable pa ang pag-aaral ng mga bata.

Bukod sa pamamahagi ng mga nasabing gamit, pinaglaanan din nila ang pagsasaayos at pagpapaganda ng ilan pang mga center sa tulong naman ng Provincial Engineering Office.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *