Maglalaan ang Department of Budget and Management (DBM) ng P101.51B pondo para sa national insurance health program ng pamahalaan.
Ayon kay Budget Secretary Amenah F. Pangandaman ang naturang halaga ay ia-allocate sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) sa susunod na taon.
Sasagutin din nito ang expansion ng mga benepisyaryo, at pagdoble ng annual premium rate para sa mga taong may kapasanan.
Ani Pangandaman, dahil sa mga natutunan nila sa pandemic, ipagpapatuloy ng Fiscal Year 2024 proposed budget ang pagpapalakas sa mga primary healthcare facilities sa bansa, gaya ng P22.26B na medical assistance para sa 1.31 milyong mga pasyenteng hindi kayang magbayad ng mga healthcare services.
Mababatid na una nang naglaan ang DBM ng nasa P49.75B para sa Department of Health para sa pag-upgrade ng regional hospitals at iba pang healthcare facilities.