DBM: P10.84B para sa ayuda ng 80% ng populasyon sa NCR, nailabas na

Kinumpirma ng Department of Budget and Management (DBM) na inilabas na nila ang kabuoang P10.894 billion para sa financial assistance ng mga apektadong indibidwal at households sa National Capital Region (NCR) sa gitna ng muling pagpapatupad sa enhanced community quarantine (ECQ) mula August 6 hanggang 20.

Ayon sa DBM, ang cash aid ay direktang ilalabas ng Bureau of Treasury papunta sa mga kinauukulang lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng kanilang authorized government servicing banks.

Sa oras naman na matanggap ang pondo, agad na ipa-facilitate ng LGUs at tutukuyin sa most efficient at effective way ang probisyon para sa financial assistance sa kanilang mga constituents.

Ang mga apektadong low-income individuals at families ay inaasahang makakatanggap ng P1,000 per person at maximum na P4,000 per household, para matiyak na ang pagkain at iba pang non-food requirements ay maibibigay sa kabila ng strict quarantine.

Sa naturang ayuda, 10.9 million individuals o 80% ng populasyon sa Metro Manila ang makakatanggap batay sa population projection at datos ng Philippine Statistics Authority. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *