DBM, tinaasan ang national disaster management fund sa P31-B para sa 2023 budget

Tinaasan ng Department of Budget and Management ang panukalang pondo ng National Disaster Risk Reduction and Management Fund (NDRRMF) para sa 2023 upang mapalakas ang paghahanda ng gobyerno at tugon sa oras ng mga kalamidad.

Kaugnay nito, tinaasan ng NDRRMF ng P11 billion ang pondo mula sa P20 billion ngayong taon, dahilan para maging P31 billion na ito.

Maliban dito, mayroon din umanong P1-billion na budgetary allocation para sa Marawi Siege Victims Compensation Fund sa ilalim ng 2023 National Expenditure Program (NEP).

Ayon sa DBM, na ang increase ay may kaugnayan sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gawin ang ekonomiya bilang proactive.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *