De Lima camp: Pagkambyo ni Ragos, nakatulong para maabsuwelto ang dating DOJ chief

Naniniwala ang kampo ni dating Sen. Leila De Lima na ang pagkambyo ni dating Bureau of Corrections officer-in-charge Rafael Ragos noong nakaraang taon sa kanyang pahayag ang nakatulong para maabsuwelto ng dating senadora sa ikalawang drug case.

Giit ni Atty. Boni Tacardon, legal counsel ng dating justice secretary na, nawalan nang tuluyan ang basehan ng akusasyon sa dating mambabatas.

Binigyang diin ng abogado, na bagama’t napatunayan sa imbestigasyon na mayroong illegal drug trading sa New Bilibid Prison, ay wala naman umanong “positive evidence” na magdadawit kay de Lima at aide na si Ronnie Dayan sa naturang drug activities.

Mababatid na sina De Lima at Dayan ay parehong naabsuwelto dahil sa “reasonable doubt.” //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *