Deadline ng Business registration nang walang penalty sa bayan ng Mercedes hanggang ngayong araw na lang

CAMARINES NORTE- Hanggang ngayong araw na lang, February 28, 2023 ang registration at renewal ng ilang mga negosyo nang walang penalty sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte.

Kasunod yan ng ibinigay na extension ng Lokal na Pamahalaan sa mga nagmamay ari ng negosyo sa bisa ng Resolution No.006- 2023 na inaprobahan ng Sangguniang Bayan noong Enero.

Kaugnay nito ay nagpaalala ang LGU sa mga negosyante na i- comply ang kanilang obligasyon  hanggang ngayong araw, dahil simula bukas, March 1, 2023 ang lahat ng payments ay subject na sa kaukulang penalidad at interest.

Matatandaan na pinalawig ng LGU ang period of registration at renewal ng ilang mga negosyo nang walang penalty mula sa orihinal na petsa na January 20.

Saklaw nito ang mga negosyong tulad ng Groceries and Sari- Sari Stores, Fish Dealers, Fish Brokers at iba pang negosyo na ang deadline ay pumatak sa nabanggit na petsa.

Ayon sa naturang SB Resolution ang pagpapalawig ng deadline ng business registration at renewal ay dahil sa masamang lagay ng panahon na nararanasan noong mga nagdaang araw tulad ng lindol at malalakas na pag ulan.

Ito rin ay upang mabigyan ng sapat na panahon ang mga business applicant na bigong makapagparehistro at mag renew sa deadline para maka- comply sa mga requirement.

Ayon pa sa resolusyon hindi lang ang mga negosyo ang nagbenepisyo sa pagpapalawig ng deadline kundi ang kanilang constituents na naharap sa mga pagsubok.

Dahil kasi sa mahigit isang buwang naranasang masamang lagay ng panahon bunsod ng amihan at shear line ay apektado ang kabuhayan ng mga tao na halos 80 porsiento ng populasyon ay nakadepende sa fishing industry.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *