Death toll mula sa pagsabog ng bulkang Semeru, pumalo na sa 14; Sugatan, nasa 56

Pumalo na sa 14 ang nasawi habang nasa 56 ang sugatan mula sa pagsabog ng bulkang Semeru sa Java island sa Indonesia.

Base sa ulat ng disaster agency ng Indonesia, siyam sa mga nasawi ang natukoy na, at karamihan naman sa mga sugatan ay nakaranas ng paso sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan.

Inihayag rin ng mga otoridad na lumikas na ang tinatayang nasa 1,300 katao.

Patuloy naman ang paghahanap ng rescue teams sa mga biktima na posibleng natabunan ng abo.

Pero dahil sa kapal ng abo ay napilitan na ang mga awtoridad na maghukay gamit ang kanilang mga kamay.

Mababtid na ang Semeru, na pinakamataas na bulkan sa Java, ay nagbuga ng abo at mainit na ulap noong Sabado na sumakop sa ilang komunidad na nasa East Java province.

Nasira ng pagsabog ang maraming gusali, kabilang na ang isang tulay na nagkokonekta sa distrito ng Lumajang at sa lungsod ng Malang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *