Death toll ng malawakang pagbaha sa DR Congo, umabot na sa mahigit 400

UMABOT na sa mahigit 400 ang nasawi sa malawakang pagbaha sa Democratic Republic of Congo.

Ayon sa opisyal ng South Kivu’s Kalehe territoty, mayorya sa mga namatay at biktima ay mga nakatira sa mga villages ng Bushushu at Nyamukubi.

Samantala, nagpapatuloy naman ang isinasagawang rescue sa mga apektadong residente, ngunit nagiging pahirapan ito dahil sa makakapal na putik  na resulta ng walang humpay na pag-uulan sa lugar.

Dahil sa malakas na ragasa ng baha, libo-libong kabahayan na rin at daan-daang mga paaralan at kalsada ang nasira habang dagdag hamon din ngayon sa mga residente ang maayos na sanitasyon at peligro sa kalusugan, bunsod ng kawalan ng malinis na tubig-inumin at nakahambalang mga bangkay ng mga biktima ng kalamidad.### JDR via Reuters

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *