Death toll sa lindol sa Indonesia pumalo na sa 321

Tumaas pa sa 321 ang bilang ng mga namatay makaraang tamaan ng lindol ang Isla ng Java sa bansang Indonesia.

Ayon sa national disaster mitigation agency, ang mga namatay sa 5.6 magnitude na lindol ay dahil sa mga gumuhong gusali at landslide.

Sinabi pa ng ahensiya na natagpuan ng mga rescuer ang tatlo pang bangkay noong Linggo. Samantalang walo ang natagpuan noong Sabado. labing isa katao naman ang nananatiling nawawala.

Ipagpapatuloy ng mga rescuers ang kanilang paghahanap at tumututok sa mga lugar kung saan pinaniniwalaang inilibing ng buhay ang mga nawawala.

Napinsala ng lindol ang mahigit 62,000 bahay at mahigit 73,000 katao naman ang lumikas.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *