Decampment para sa Mayon evacuees sa Albay, nasa kamay na umano ng mga LGUs – APSEMO

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) na nasa kamay na ng bawat lokal na pamahalaan ng lalawigan kung sila ay magpapatupad ng decampment para sa mga bakwit ng Bulkang Mayon na nakatira mula sa loob ng 6km permanent danger zone ng Bulkang Mayon.

Ayon kay APSEMO Chief Dr. Cedric Daep, ngayon kasi ang ika-50 araw ng pamamalagi ng mga bakwit sa loob ng evacuation centers.

Matatandaan, sa lungsod ng Ligao, ay may isang pamilya na ang bumalik sa kanilang tahanan.

Gayunpaman, nagpapatuloy pa rin ang effusive eruption ng bulkan o mahihinang pagputok, subalitn hindi pa rin masasabi kung talagang humuhupa na ang pag-aalburoto nito sa kabila ng mga naitalang konting parameters dito.

Samantala, ayon kay Daep, kaya pa naman umanong tustusan ng Pamahalaang Panlalawigan ang mga pangangailangan ng mga bakwit dahil mayroon pa rin namang mga ahensyang tumutulong katulad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Kung babalikan, una ring sinabi ni Daep na hindi na kakasya ang kanilang quick response fund kung aabutin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *