Idiniin ng mga Defense ministers ng Amerika at ng Pilipinas na nananatili pa ring matatag at epektibo ang umiiiral na mutal defense treaty, ‘o ‘yung MDT.
Ito ang laman ng joint statement sa pagitan ng Defense Department ng Pilipinas, at ng pentagon matapos ang isang phone call sa pagitan nina Sec. Gibo Teodoro, at ng kaniyang counterpart na si Sec. Lloyd Austin.

Tinalakay ng dalawang kalihim ang gianwang peligrosong pagma-maneobra ng China na na nagresulta sa pagbangga ng kanilang barko, sa resupply mission ng Pilipinas.
Muli ring tiniyak ni Austin ang suporta nito sa Pilipinas.
Kung maaalala, una nang sinabi ng National Security Council na hindi pa naman mati-trigger ang MDT lalo na’t wala pang armed attack na nangyari mula sa China.