Ibinunyag ni Japanese Defense Minister Minoru Kihara na nakatakda siyang makipagpulong sa kanyang mga katapat mula sa United States, Australia at Pilipinas sa Hawaii sa unang bahagi ng susunod na buwan.
Isasagawa ito sa gitna ng pagtaas ng maritime assertiveness ng China sa Indo-Pacific region, kung saan makakasama niya si US Defense Secretary Lloyd Austin, Australian Defense Minister Richard Marles at Philippine Defense Secretary Gilberto Teodoro.
Tatalakayin ng tatlong bansa ang mga paraan upang palakasin ang pakikipagtulungan kapag magtitipon sila sa Mayo 2 sa US island state na magtatagal hanggang Mayo 4.
Ito na ang magiging pangalawang quadrilateral na pagtitipon ng mga ministro ng depensa mula pa noong Hunyo ng nakaraang taon, nang idaos ang isang pulong sa Singapore para sa taunang Asia Security Conference na kilala bilang Shangri-La Dialogue.
Umapela ang Philippine National Police (PNP) kay dating senador Antonio Trillanes na ilayo sila sa…
Nasa 104 na mga barko ng China ang namonitor ng Philippine Navy sa 7 isla…
Inanunsyo ng National Irrigation Administration na magbebenta sila ng P29 kada kilo ng bigas simula…
Kinokonsidera ng Pilipinas na magsagawa na lang ng mga aerial mission para muling mag-supply sa…
Binigyang-diin ni IBON Foundation Executive Director Sonny Africa na nakalulungkot na maraming mga Pilipino ang…
BNFM BICOL-INILABAS na ng Civil Service Commission O CSC Bicol ang listahan na naglalaman ng…