Deklarasyon ng state of calamity sa Lake Sebu nasa kamay na ng SB- Mayor Gandam

KORONADAL CITY- HINIHINTAY na lamang ni Lake Sebu Mayor Floro Gandam ang aksyon ng Sangguniang Bayan ng Lake Sebu, South Cotabato sa kanyang sulat sa pagsasailalim sa state of calamity ng bayan dahil sa kamahong o fish kill.

Ito ang inihayag ni Gandam sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kung saan upang magamit ang pondo ng bayan sa pagtulong sa mga apektado ng fish kill na mga fish cage operators.

Dagdag pa ni Gandam na umabot na sa P17 million ang danyos nanaitala ng kamahong sa tatlong mga barangay na kinabibilangan ng Barangay Bacdulong, Takonel at Barangay Poblacion.

Isa naman sa tinitingnan dahilan ng opisyal sa nangyaring fish kill ay sobrang paglalagay ng feeds sa lawa na kadahilanan ng pag-dissolved ng oxygen levels.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *