Dela Rosa, hinimok ang Pagcor na igiit ang ‘supremacy’ laban sa mga POGOs sa bansa

Hinimok ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa ang gobyerno na ipatupad ang kanilang supremacy laban sa Philippine offshore gaming operators (Pogos), kung ang kaparehong assertion ay hindi umano magagawa sa pinag-aagawang West Philippine Sea.

Sa pagdinig ng Senate committees on ways and means and public order kaugnay sa nagpapatuloy na operasyon ng Pogos sa bansa, iminungkahi din ni Dela Rosa sa Pagcor na magsagawa ng summit sa lahat ng mga lehitimong Pogos at bigyan sila ng “ultimatum” na palalayasin sakaling may iba pang krimen na mangyari kaugnay sa kanilang operasyon.

Mungkahi pa ng senador, na dapat hindi matakot ang gobyerno, dahil mga dayuhan naman umano ang mga ito, kaya dapat lang na igalang ang bansa.

Sa huling, hiniling nito sa Pagcor na i-kick out ang dalawang Pogo firms na Brickhartz Technology Inc. at MOA Cloudzone Corp. dahil sa umano’y pagkakasangkot sa kidnapping incident na una nang ibinunyag ni Sen. Grace Poe.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *