Delayed na pasahod ng DPWH Bicol sa mga job orders, natural lamang umano

Inihayag ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Bicol na natural na bagay lamang ang pagkakaroon ng delayed na pasahod ang kanilang tanggapan sa mga job orders nito.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay DPWH Bicol information officer Justin Dayandante, sinabi niyang sa tuwing mag-uumpisa ang bagong taon ay mayroong kino-comply ang mga job orders na ilang mga dokumento.

Aniya, mahigit 3,000 mga job orders ang nasa kanilang tanggapan at isa-isa umanong chini-check ng administrative division ang mga ipinapasang dokumento ng mga ito katulad ng personal data sheet, individual performance commitment review (IPCR) at tax exemption.

Dahil dito ay nagkakaroon umano ng delay sa pagpapasahod sa kanila. Ngunit nilinaw naman ni Dayandante na noong nakalipas na linggo ay natanggap na ng mga job orders ang kanilang sahod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *