Delta Variant maaaring narito na sa lungsod-IMT

“Maaring nandito na ang Delta Variant sa atin, wala nga lang confirmatory tayo,”

Naging tugon ni Incident Management Team (IMT) Commander Dr. Dean Palanca, kaugnay sa sitwasyon ng COVID-19 sa Lungsod ng Puerto Princesa na kung saan patuloy ang pagtaas ng mga nagpopositibo sa virus.

Ginagawa naman umano ngayon ng IMT na kapag mayroong nagpositibo sa virus ay tinatrato na Delta Variant.

“Sa mga taong nag-positive parang ang diagnosis namin sa kanya COVID and then Delta Variant yung pag-classify, sabi natin ‘paano natin aalagaan at paano natin i-quarantine’. Syempre Delta Variant yung aming approach sa kanya pati sa mga close contact.” saad pa ni Dr. Palanca.

Dadag pa ng IMT Commander, kapansin-pansin ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Lungsod simula pa noong ‘fist week’ ng buwan ng September na kung saan kahapon ay umakyat na sa 521 ang aktibong kaso matapos makapagtala ng 102 na bagong positibo.

Samantala ngayong araw inaasahang mapapasama sa talaan ang 6 nasawi kahapon sa Puerto Princesa na positibo sa COVID-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *