Dengue cases sa Bicol, umabot na sa mahigil 400

LEGAZPI CITY – Pumalo na sa 417 ang bilang ng dengue cases sa Bicol simula Enero 1 hanggang Mayo 11 ngayong taon ayon sa Department of Health (DOH) Bicol.

Sa tala ng ahensya, pinakamaraming naitala sa Camarines Sur na may 154, Camarines Norte na may 98, Catanduanes na may 56, Albay na may 39, Sorsogon na may 36 at Masbate na may 31.

Samantala, apat na rin ang namatay dahil sa dengue, kung saan dalawa sa Sorsogon, habang tig-isa sa Camarines Sur at Catanduanes.

Karamihan umano sa mga tinatamaan nito ay mga batang edad 0-5 anyos.

Kun ikukumpara sa kaparehong peryodo nitong nakaraang taon, nasa mahigit 300 lamang ang nagkasakit sa dengue.

Sa ngayon paalala ng ahensya sa publiko ngayon tag-ulan ay ugaliin ang pagsasagawa ng 4 o clock habbit araw araw sa barangay kontra sa dengue upang maiwasan ang pagdami ng dengue sa Bicol.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *