Dennis, ibinahagi ang karanasan sa COVID-19

Ibinahagi ni Denni Padilla ang kanyang pinagdaanan matapos siyang dapuan ng COVID-19 noong Marso.

Sa Instagram ay nag-post si Dennis ng litrato kung saan ay makikita siya na gumagamit ng oxygen tank habang nakikipag-video chat sa kanyang kaibigan at kapwa komedyante na si Randy Santiago.

Mababasa sa caption ng post ni Dennis: “My memorable talk with randy Santiago. Sabi nya ‘wag ka iiyak. Be strong.

Ayun Lalo akong naiyak. Labyu Rands. Mar 22,2021,”Sa reply naman nito kay Ana Roces ay isiniwalat ni Dennis na siya ay na-discharge mula sa pagamutan noong March 26.

Samantala, sa post naman ni Dennis noong Biyernes ay ibinahagi niya ang ilan sa mga litrato at videos nito habang nasa gym.

Inihayag niya sa caption ng post: “Ty Lord… Make my lungs strong again,”Matatandaan na ilan lamang sa mga celebrities tulad nina Rhian Ramos, Glaiza de Castro, Khalil Ramos, Cherry Pie Picache, at Ahron Villen ang nagsapubliko ng kanilang pakikibaka sa COVID-19 matapos nilang maka-recover mula sa sakit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *