Dennis Padilla may birthday message kay Julia, umaasang makita muli ang anak

Ibninahagi ni Dennis Padilla sa kanyang Instagram account ang lumang larawan nila ni Julia bilang pagbati sa anak na ipinagdiwang ang ika-26 kaarawan ngayong araw.

Kasalukuyang nasa Paris, France si Julia kasama ang nobyong si Gerald Anderson.

Umaasa raw si Dennis na makitang muli si Julia.

Halos isang taon na mula nang muling sumiklab ang sigalot sa pagitan ni Dennis at ng kanyang mga anak kay Marjorie.

Kasunod ito ng pagsasapubliko ni Dennis ng himutok niya kina Julia, Claudia, at Leon Barrett na wala man lang daw mensahe sa kanya sa Father’s Day noong June 19, 2022.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *