Dennis Padilla, nag-sorry sa anak na si Leon Barretto

Humingi ng tawad si Dennis Padilla sa anak nitong si Leon Barretto matapos itong mag-post kung bakit hindi siya binati ng mga anak nitong Father’s day.

Inamin ng komedyante na nami-miss lang umano niya ang mga anak nito na sina Julia, Claudia at Leon sa dati nitong karelasyon na si Marjorie Barretto.

Ayon kay Leon, ilang beses na umano nilang sinubukang iresolba ang hindi nila pagkakaunawaan pero sinisigawan lang sila ng ama kung saan nagdulot ito ng trauma sa kanila.

Samantala, sinabi niya na nangungulila din umano siya dito kung saan nais niya itong batiin ng ‘Happy Father’s Day’ kasabay ng pasasalamat at paghilom. (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published.