DENR, nanindigan sa pag-iral ng batas matapos ang panawagan ni Leonardo DiCaprio kay PBBM

Nandingan ang Department of Environment and Natural Resources na pairalin ang batas matapos na manawagan ang Hollywood actor at environmentalist na si Leonardo DiCaprio kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na protektahan ang Masungi Georeserve sa Rizal.

Sa isang instagram post sinabi ni DiCaprio na may banta sa pangangalaga sa Masungi Georeserve dahil nanganganib na ikansela ng DENR ang kasunduang protektahan ang lugar mula sa land grabbing.

Sinabi ni DiCaprio na mababalewala lang ang kanselasyong ito, ang matagumpay na conservation effort at posibleng magkaroon ulit ng pagmimina, pagputol ng mga puno o anumang illegal development sa lugar.

Sinabi ng DENR na kasalukuyan na nilang iniimbestigahan ang joint venture agreements at supplemental agreements para sa mga pabahay ng gobyerno sa lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *