DENR Region 2, tiwalang napapabilis ng dayami ang pagpapadami ng kawayan

Tiwala ang Department of Environment and Natural Resources Region 2 na epektibo ang dayami sa pagpapabilis ng pagdami ng kawayan.

Ito ay base sa isinagawang inspeksyon at monitoring ni DENR Regional Director Gwendolyn Bambalan sa mechanized and modernized forest nursery (MMFN) sa Solana, Cagayan.

Ang MMFN ay nagpapalaki ng iba’t ibang uri ng kawayan tulad ng bayog, kawayan kiling at kawayan tinik na itatanim para sa riverbank stabilization sa rehabilitasyon ng Cagayan River.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa DENR RO2, ang paggamit ng dayami na isang byproduct ng produksyon ng palay pagkatapos ng anihan sa root-growing stage ng kawayan ay inisyatibo ni Forester Pedro Callo Jr ang Project Management Officer for trial and observation.

Ayon kay Forester Callo, naobserbahan umano nito na umaabot na lamang sa 10 hanggang 15 na araw ang paglaki ng roots at buds ng bamboo propagules kumpara sa traditional seedbed.

Dagdag pa nito, nakatutulong umano ang dayami sa pagmintina sa moisture ng bamboo culms.

Samantala, ginagamit din ng ahensya sa propagation ang mga hibla ng niyog, rice hulls, damo at mga tuyong dahon at nagtatanim din ang mga personnel ng MMFN ng  kabute sa mga rice hulls bilang mapagkukunan ng suplay ng pagkain.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *