DENR Secretary Loyzaga, bumisita sa Pag-asa Island

Binisita ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Maria Antonia Yulo Loyzaga ang Pag-asa Island at tinalakay ang mga planong palawakin ang pananaliksik at monitoring sa lugar.

Nakipagpulong at tinalakay ni Loyzaga ang pagpapalawak kay Kalayaan Mayor Roberto Del Mundo, pinuno ng Armed Forces of the Philippines Western Command na si Vice Admiral Alberto Carlos at mga eksperto sa UP Marine Science Institute na sina Dr. Fernando Siringan, Dr. Jose Fernando Alcantara, at Dr.Rolando Tolentino.

Tinalakay nila ang environmental sustainability ng isla, pananaliksik na kailangan para sa pag-unawa sa marine environment, at halaga ng mga ecosystem nito sa mga kabuhayan, food security sa Pilipinas at rehiyo.

Ayon sa DENR, si Loyzaga ang ikalawang Cabinet-level official na bumisita sa Pag-Asa Island nitong nakaraang taon, at ang unang kalihim ng ahensya na nakagawa nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *