Denver dinomina ang Heat sa Game 1 ng NBA Finals 2023

Dinomina ng Denver Nuggets ang Miami Heat sa Game 1 ng NBA Finals 2023 sa score na 104-93.

Hindi nakaporma ang Heat sa dynamic duo ng Nuggets na sina Nikola Jokic at Jamal Murray na nagtala ng 53 combined points.

Umabot sa 19 puntos ang pinakamalaking lamang ng Denver na sumandal sa magandang ball rotation at depensa.

Nalimitahan din ng home team si Jimmy Butler sa 13 points.

Gaganapin naman ang Game 2 ng NBA Finals sa homecourt pa rin ng Denver sa Lunes umaga, June 2, oras dito sa Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *