DEPED Bicol, binigyang-diin ang tungkol sa pagsuspinde ng mga pasok at pagpapatupad ng modular learning kapag matindi ang init ng panahon

LEGAZPI CITY – Binigyang-diin ng Department of Education (DEPED) Bicol ang memorandum tungkol sa pagre-reiterate ng pagpapatupad ng modular learning kapag sinuspinde ang pasok tuwing may natural na mga kalamidad at kung matindi ang init ng panahon.

Sinabi ni DEPED Bicol Project Development Officer 2, Mark Kevin Arroco, sa Brigada News FM Legazpi na mayroong discretion ang bawat paaralan na suspendehin ang mga pasok lalo na kung mainit ang panahon upang mabawasan ang tiyansa ng mga nahihimatay na mga mag-aaral.

Subalit, kakaiba aniya ang pagpapatupad nito tuwing tag-init kung ikukumpara kapag may bagyo.

Ayon kay Arroco, naaanticipate ang bagyo ngunit hindi ang mainit na panahon dahil kadalasan, mas umiinit tuwing sasapit ang alas dyes ng umaga lalo na kapag tanghali hanggang sa hapon.

Kung sususpendehin umano ang mga pasok habang sila ay nasa paaaralan na, mas magiging delikado pa rin dahil mayroong mga mag-aaral na naglalakad pauwi kaya’t maiinitan pa rin sila.

Sinabi niya, mainam pa rin na nabuksan ang usapin tungkol sa pagbalik ng dating school calendar. Ngunit sa ngayon, ang tanging maaari lamang na gawin ay ang maghintay ng abiso o impormasyon mula sa ahensya, at manatiling ligtas sa panahong ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *