DepEd-Bicol, gagamit ng mahigit 80 temporary learning spaces dahil sa nawasak na mga silid-aralan matapos ang M6 na lindol sa Masbate

Gagamit muna ang DepEd ng hindi bababa sa 80 temporary learning spaces, matapos na wasakin ng Magnitude 6 na lindol ang mahigit 50 silid-aralan sa Masbate.

Sa inisyal na assessment ng disaster risk officials, 57 classrooms ang nawasak ng lindol at hindi na magagamit, 194 naman ang nagtamo ng malaking pinsala at 692 na silid-aralan ang bahagyang nasira.

May 50 silid-aralan naman ang inirekomenda para sa demolisyon sa hindi bababa sa dalawang bayan sa lalawigan matapos na masira ng matinding lindol at serye ng aftershocks na nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan.

Sa bayan ng San Fernando, 42 classrooms sa elementarya at 6 na gusali ng SHS ay nagkaroon ng malalaking bitak sa dingding, sahig, kisame at iba pang lugar habang sa bayan ng Uson ay may naitalang 5 gusali sa dalawang pampublikong paaralan.

Iniulat naman ng Office of Civil Defense-Bicol na tatlong bahay ang nasira sa mga bayan ng Baleno, Batuan, Dimasalang, Mobo, Palanas, San Fernando at Uson, habang 34 na imprastraktura ang nasira kabilang na ang gov’t facilities, simbahan, commercial buildings at health facilities.

Sa bayan ng Batuan na siyang epicenter ng lindol, iniulat ng mga awtoridad na aabot sa P3.5M ang pinsala sa kalsada ng Canvanes na nag-iwan ng isang lane na madadaanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *