DepEd-Bicol, kinumpirmang mas maraming mga paaralan sa rehiyon ang pinahihintulutan nang magsagawa ng ‘in person recornition’ at ‘graduation ceremonies’

BNFM BICOL—Kinumpirma ni DepEd-Bicol Regional Director – Gilbert Sadsad, na pinahihintulutan na ngayon ng ahensya ang mas maraming mga paaralan sa Bicol na magsagawa ng ‘in-person’ recognition at graduation ceremonies.

Ayon kay Sadsad, ito ay matapos luwagan ng pamahalaan ang mga ipinatutupad na COVID-19 restrictions sa rehiyon bunsod na rin ng mababa at kontrolandong kaso ng COVID-19.

Dagdag pa ng opisyal, batay aniya sakanilang pinakahuling tala, nasa 2,500 ng mga paaralan sa Bicol ang nagsasagawa ng ‘face to face classes’ kung kaya’t pinahihintulutan na rin ang ‘face to face recognition’ sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1 at 2, basta’t aprubado rin ito ng LGU at may ‘consent’ ng mga magulang.

Sa kabila nito, binigyang diin ni Sadsad na magiging mahigpit umano ang kanilang tanggapan sa pagsisigurong maayos na maipasusunod ang mga umiiral na minimum public health standards sa pagdaraos ng mga naturang aktibidad.###

Leave a Reply

Your email address will not be published.