DepEd Bicol, may pahayag hinggil sa planong alisin na ang mother tongue bilang asignatura sa Grades 1-3 levels

LEGAZPI CITY – Nagbigay na ng pahayag ang Department of Education (DepEd) Bicol kaugnay ng naging pahayag ni Education Undersecretary Epimaco Densing III tungkol sa planong pagtanggal ng mother tongue bilang asignatura sa grades 1-3 levels.

Ayon kay DepEd Bicol Reg. Dir. Gilbert Sadsad, kasayangan umanong maituturing kung tatanggalin ang nasabing asignatura sa rehiyon.

Isang malaking kawalan at masasayang ang mga ginastos ng naging katuwang ng tanggapan na ABC plus at maging ang pagod at pagsasakripisyo ng mga guro ay masasayang din.

Aniya, marami na umanong ginawang instructional learning material ang mga guro magmula sa Grade 1 hanggang Grade 3.

Ang mother tongue ay isang lingguaheng itinuturo upang maintindihan o maunawaan ng mga bata.

Binigyan-diin ng opisyal na malaking pakinabang naman sa edukasyon ang pagtuturo sa mga bata ng mother tongue dahil ginagamit nila ito sa loob ng bahay at paaralan, kung saan nagpapatuloy ang kanilang pag-uusap na ginagamitan ng sariling dayalekto.

Kung matatandaan, ipinahayag ni Densing III ang planong tanggalin ang nasabing asignatura para sa nabanggit na nmga baitang upang ma-decongest ang kasalukuyang curriculum ng mga estudyante.

Dagdag pa nito, hindi na umano kailangan ng mother tongue subject dahil ito rin naman ang pang-araw-araw na ginagamit ng mga mag-aaral sa paaralan, komunidad at maging sa pakikipagusap sa kanilang pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *