DepEd Bicol, mayroon nang mahigit 214k enrollees sa ilalim ng Early Registration Program

BNFM BICOL—Patuloy ang paghikayat ng Department of Education (DepEd) Bicol sa mga magulang ng mga estudyante sa mga pampublikong elementarya at sekondarya sa rehiyon na iparehistro ang kanilang mga anak sa ilalim ng Early Registration Program para sa School year 2021-2022.

Sa inilabas na datus ng ahensya, hanggang Abril 20, umabot na sa 214, 753 ang bilang ng mga nakapagpaenroll sa Kindergarten, Grade 1, Grade 7 at Grade 11 ngayong nagpapatuloy ang Early registration.

Sa nasabing bilang, pinakamarami ang enrollees sa Grade 1 na mayroong 81, 291; sumunod ang Kindergarten na mayroong 48,612; Grade 7 na may 42, 944 at Grade 11 na may 41, 906 enrollees.

Ayon sa DepEd, nasa 86.66% ang percentage of participation ng mga public elementary at secondary schools sa rehiyon kung saan mula sa 3,914 na mga eskwelahan ay 3,392 ang participating schools sa nasabing programa.

Sampo sa 13 School Division Offices ang nakakuha ng 100% participation kabilang ang Albay, Camarines Norte, Catanduanes, Iriga City, Ligao City, Legazpi City, Masbate City, Naga City, Sorsogon City at Tabaco City Divisions.

Kaugnay nito, hinikayat ng DepEd Bicol ang lahat ng mga eskwelahan na makiisa sa Early Registration program na tatagal hanggang sa Abril 30.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *