CAMARINES NORTE – All set na ang Department of Education sa pagbubukas ng klase ngayong araw para sa School Year 2023- 2024.
Sa datos ng departamento nasa 145, 725 na mga estudyante ang magbabalik eskwela sa lalawigan ng Camarines Norte batay sa Lis- Quick Count Enrollment as of August 27, 2023.
Inaasahang maglalabas ng kumpletong datos ang Schools Division Office ngayong araw.
Noong nakaraang linggo ay binuo ng DepEd -Camarines Norte ang Oplan Balik Eskwela (OBE) Public Assistance Command Center (PACC) upang masiguro na magiging maayos ang pagbubukas ng klase ngayong araw sa mga pampublikong eskwelahan.
Ito ay sa bisa ng Division Memorandum No 125 series of 2023 na pirmado ni Schools Division Superintendent Crestito Morcilla.
Ang Oplan Balik Eskwela Public Assistance Command Center ay pangungunahan mismo ni Schools Division Superintendent Crestito Morcila bilang Chair at Vice Chair naman si Assistant Schools Division Superintendent Maria Flora Pandes na mayroong walong miyembro.
Ang mga katanungan at iba’t- ibang concern para sa pagbubukas ng School Year 2023- 2024 ay tutugunan ng SDO Camarines Norte sa pamamagitan ng email, website at ng kanilang Facebook page.
