DepEd Camarines Sur, ipinaliwanag kung bakit nila kinuha ang cash allowance na ibinigay sa mga atleta sa Palarong Bicol; cash ipinababalik ng Governador

NAGA CITY – Ipinaliwanag ng DepEd Camarines Sur ang dahilan kung bakit kinuha nila ang Cash Allowance o budget na ibinigay ng Provincial Government na nagkakahalaga ng P9,000 sa mga atleta sa Palarong Bicol o ang mga atleta sa Camarines Sur na nag-uwi ng medalya sa katatapos pa lamang na CamSur meet.

Ayon kay Peter Pelonio Chief ng Schools Governance and Operation Division ng DepEd Camarines Sur, ito ang napagkasunduan ng mga opisyal ng School Division Office upang idagdag sa mga ihahain na pagkain o budget para sa pagkain ng mga atleta habang nasa concentration at naghahanda para sa paparating na Bicol Meet.

Binigyang diin ni Pelonio na sinisiguro lamang ng DepEd Camarines Sur ang nutrisyon ng mga atleta kung kaya kinuha nila ang perang ibinigay sa mga ito kahapon, hindi kasi aniya maaaring kung anu-ano na lamang ang kakainin habang sila ay sumasabak sa laro.

Puwede sana aniya na isahang procurement subalit hindi na kaya ng panahon, mag kakaroon pa ng bidding sa mag si-service at iba pa. Ang Palarong Bicol ay gagawin na sa Abril. May natira aniya sa mga estudyante hindi kinuha ang buong P9K.

Tiniyak ni Pelonio na magiging transparent dito ang DepEd.

Pasalamat naman sila sa Provincial Government sa tulong pinansyal dahil kulang ang pondo ng DepEd para sa palaro.

Sa opisyal na pahayag ni Gov. Luigi Villafuerte ngayong gabi, Marso 23, 2023 sinabi nito na nakausap niya na si SDS Loida Nidea, pinatitiyak nito na maibabalik sa mga atleta ang “full amount”.

Ang mga atleta aniya ang dapat na nakatanggap nito. Sila rin ang nakapirma.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *