DepEd, hinimok na busisiin ang ‘delayed at problematic’ na pagpapalabas ng SRI at rice assistance

Tinawag ng grupo ng mga education workers ang atensyon ng Department of Education (DepEd) para sa mga hamon na kinahaharap ng mga guro kaugnay sa kanilang insentibo.

Sa liham ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte, inilahad nila ang iba’t-ibang mga reklamo at rekomendasyon ng mga public school teachers kaugnay sa pagbibigay at pamamahagi ng Service Recognition Incentive (SRI) at One-time Rice Assistance para sa taong 2022, alinsunod sa Administrative Order 1 at 2 na nilagdaan ni President Ferdinand Marcos Jr. noong Dec. 16, 2022.

Batay sa mga reports, binigyang diin ng ACT na ang payment na P15,000 SRI ay nananatiling ‘incomplete’ sa ilang mg apaaralan ng DepEd divisions na kinabibilangan ng Palawan, Region IV-B; Negros Oriental, Region VII; Zamboanga del Sur, Region IX; Zamboanga Sibugay, Region IX; at Sarangani, Region XII.

Samantala, binigyang diin naman ng ACT na ang rice assistance ay nananatiling ‘unreleased’ sa 98 percent ng mga areas na kanilang tinanungan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *