DepEd hinimok ng Kamara na ipasa ang lahat ng estudyante sa SY 2020-2021

Inadopt ng House of Representatives ang isang resolusyon na naghihimok sa Department of Education (DepEd) na ipasa ang lahat ng mga mag-aaral sa katatapos lamang na school year 2020-2021.

Layon umano ng House Resolution 2267 protektahan ang ‘health and well-being’ ng mga estudyante matapos ang biglaang pagpapalit ng sistema sa edukasyon bunsod ng COVID-19 pandemic.

Ipinunto dito ang mga karanasan ng mga guro at estudyante katulad ng kawalan ng maayos na gadget, mabagal na internet connection, at iba pang technical glitches.

Maliban dito hindi rin umano naging madali ang pagpapatupad ng blended learning sa pamamagitan ng pamimigay ng mga learning modules sa mga mag-aaral at kinokolekta ng mga guro tuwing huling araw ng linggo.

Dahil dito nagkaisa ang mga mambabatas na dapat magkaroon ng “scholastic leniency” mula elementarya hanggang sekondarya para sa nakalipas na school year.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *