DepEd iginiit na bawal ang solicitation sa pagsasagawa ng Brigada Eskwela

CAMARINES NORTE – Igiinit ng Department of Education na mahigpit na ipinagbabawal ang solicitation sa Brigada Eskwela at ang pagpo- post nito sa social media.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Administrative Officer V at Division Information Officer Antonio Ahmad, sinabi nito na alinsunod sa Department Order No 21 series of 2023 ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte, na ang pinaka konsepto ng Brigada Eskwela ay bayanihan at mahigpit na ipinagbabawal ang solicitation.

Hindi na rin umano ito tulad ng dati na nagiging contest para sa best implementing schools dahil nais ng kagawaran na pairalin ang diwa ng bayanihan.

Gayunman, maaari pa rin namang magbigay ng recognition sa mga education partners ang Region, Division o ang eskwelahan.

Dagdag pa ni Ahmad na anumang donasyon ay mag- iisyu ng acknowledgment receipt ang eskwelahan at dapat ay mayroong custodial slip.

Mayroon na umano ngayong digitalize system ang mga eskwelahan kung paano titingnan ang mga donasyon.

Ani, Ahmad ang pinakalayunin talaga aniya ng Brigada Eskwela ay maihanda ang mga eskwelahan para sa pasukan upang maging ligtas ito, maayos at malinis pagpasok ng mga bata simula sa August 29.

Ngayong araw ay gagawin ng Division kick- off ng Brigada Eskwela sa bayan ng Labo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *