DepEd, iimbestigahan na ang pagkaka-ospital ng mga elementary students matapos maka-inom ng gatas sa Sta. Catalina, Negros Oriental

Tiniyak ng Department of Educaiton na nakikipag-coordinate na ito sa LGU ng Sta. Catalina sa Negros Oriental at sa National Dairy Authority matapos ma-ospital ang dose-dosenang elementary students dito matapos makainom ng ipinamahaging fresh milk ng Negros Oriental School Division Office.

Sa isang pahayag, sinabi ng DepEd na kaagad din silang tumulong sa pagbibigay ng medical assistance sa mga batang na-admit sa pagamutan.

Siniguro rin nito na tuloy ang kanilang monitoring status, at imbestigasyon kung sa gatas nga ba na galing sa kanilang programa nagmula ang pagsusuka ng mga bata.

Wala namang nasawi sa insidente.

Sa huli, nangako ang DepEd na ilalatag nila ang mga hakbang para maiwasan nang muli ang ganitong uri ng ‘food-borne illnesses’.

Ipinamahagi ang mga pinaniniwalaang kontaminadong mga gatas bilang bahagi ng ‘School-Based Feeding Program’ ng DepEd.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *