DepEd, inatasan ang mga paaralan na palakasin pa ang mga health protocols

Pinatitiyak ng Department of Education sa mga paaralan sa bansa na umiiral pa rin ang mahigpit na mga health protocols para maiwasan ang hawahan ng COVID-19 sa mga learners at sa mga guro.

Sa ilalim ng DepEd Order Number 39, series of 2022, pinasisigurong nasusunod pa rin ang mga protocols para sa kaligtasan ng mga estudyante, pati na rin ang mga teaching at non-teaching personnel.

Dapat aniya ay palakasin ng mga pamunuan ng paaralan ang kanilang ‘community monitoring measures’ at ugnayan sa mga LGUs para sa surveillance ng mga health situations sa mga eskwelahan.

Sinabi pa sa order na dapat ay masigurong mayroong sapat na supply ng face masks sa mga paaralan para maibigay sa mga estudyanteng mangangailangan nito.

Sa mga pagkakataon namang kailangang maghubad ng face masks kagaya na lamang ng ilang mga laboratory subjects, ‘o ‘di kaya’y mga aktibidad na kailangang makita ang buong mukha ng isang learner – posible umano ang paggamit ng mga face shield.

Samantala, nakasaad din sa order na hindi na kinakailangan pang magtayo ang mga paaralan ng mga sariling isolation areas.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *