DepEd, inihayag ang pagtatapos ng pagsasanay ng mga guro para sa pilot testing ng ‘MATATAG’ curriculum

Natapos na ang pagsasanay para sa mga gurong kabilang sa mga paaralang nakatakdang lumahok sa pilot testing ng “Matatag” curriculum, o ang binagong K to 10 program, ayon sa Department of Education (DepEd).

Sinabi ng DepEd na natapos sa oras ang pagsasanay ng mga guro para sa pilot run ng Matatag curriculum na magsimula sa Lunes (Setyembre 25), na sumasaklaw sa 35 na paaralan mula sa NCR, CAR, Region 1, Region 2, Region 7, Soccsksargen, at Caraga.

Dagdag pa nila na naorient na din ang mga tauhan ng paaralan at SDO (school division office) na magiging bahagi ng pagpapatupad.

Inilunsad ng DepEd ang binagong K to 10 program noong Agosto 10, na isasagawa mula 2024 hanggang 2028.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *