DepEd ipapasa sa OSG ang pagsampa ng kaso vs opisyal re: overpriced laptops

Ipapasa ng Department of Education sa Office of the Solicitor General ang pagsasampa ng kaso laban sa mga opisyal at tauhan na sangkot sa umano’y pagbili ng overpriced laptops.

Sa isang Viber message, tiniyak ni DepEd spokesperson Michael Poa na handa silang tanggapin ang official report ng Senate Blue Ribbon Committee. Ito ay kaugnay pa rin ng pagbili ng laptop ng DepEd sa pamamagitan ng Procurement Service – Department of Budget and Management o PS-DBM noong 2021.

Tiniyak din ni Poa na agad na kumilos ang DepEd laban sa sa mga opisyal at mga tauhan nito na umano’y sangkot dito.

Nauna nang inirekomenda ng Senate Blue Ribbon Committee ang pagsasampa ng kasong graft laban sa ilang incumbent at dating opisyal ng DepEd at PS-DBM bukod pa rito ang mga kasong falcification of public documents at perjury.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *