Inihayag ng Department of Education na ire-review at ia-update nila ang curriculum para sa mga estudyante sa Kindergarten hanggang sa Grade 10.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, ang hakbang ay bahagi ng nagpapatuloy na curriculum review, na nagsimula noong wala pa ang COVID-19 pandemic, na layung matugunan ang overlaps sa learning competencies.
Mababatid na sa kasalukuyang school year, ipinatupad ang revised basic education curriculum, matapos bawasan ng DepEd ang bilang ng learning competencies mula sa 14,171 pababa sa mga “most essential” na 5,689.
Kaugnay nito, target ng DepEd na ma-finalize ang curriculum review sa katapusan ng taon at magsasagawa sila ng consultation sessions sa 2022.
Samantala, sinabi rin ng departamento na ia-assess nila ang “Most Essential Learning Competencies,” sa basic education curriculum para ngayong school year, para makita kung ito ba ay sapat para sa mga learners na makakuha ng kaalaman at skills.
Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…
Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…
Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…
Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…
Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…
Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…