DepEd, kinumpirma na ilan sa laptops na pagmamay-ari ng ahensiya ay naibenta sa isang surplus store sa Cebu

Kinumpirma ng Department of Education na ang ilan sa mga laptops nito ay naibenta sa isang surplus store sa Cebu.

Ayon kay DepEd Spokesperson Michael Poa, ang mga laptops ay bahagi ng computerization program ng ahensya ngunit hindi kabilang sa mga umano’y overpriced devices na binili sa pamamagitan ng Procurement Service ng Department of Budget and Management.

Nakikipag-ugnayan na aniya sila sa mga law enforcement agencies para mahuli ang nasa likod ng pagbebenta ng laptop.

Noong Oktubre nakaraang taon, nagsagawa na ng imbestigasyon patungkol rito ang regional office ng Deped.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *